Tunay na mapalad

Ngiti at ligaya, mapalad na bata
Kalungkuta’y wala,  sa puso mong mura
Hindi binibilang, tinigis na luha
Ng yong kaluluwang, hinango sa dusa
At pinaliguan ng poong dakila
Sa batis ng gali, sa sagradong lawa
Sa mga mat among, animo’y bituin
Ang kurba ng labi, at labas ng ipin
Mga hagikhik mo na may dalang lambing
Ay sya ring nasa kong lagi ay kamitin
Sa tuwi-tuwina, ay inadalangin
Iyong bahagian ang diwa’t panimdim
Sa ugoy ng duyan, na ikaw ang lulan
Sa hampas ng hangin na may kalamigan
Sa tapak ng paa mo sa damuhan
Sa awit ng ibon sa iyong ulunan
Naglinaw ang langit sa kaitaasan
Sa lilim ng puno ay may kagalakan
Mapalad ka bata, sapagkat mahal ka
Higit kanino man n gating bathala
Sa mga halakhak ng puso mo’t mata
Wala ang bagabag sa daraang sigwa
Walang pag-iisip sa mga problema
Tunay na mapalad ang mumunting bata
Advertisements

You May Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s