Marker at Papel


                Puno ng labtik ng matatalim na linyang pataas at pababa ang kahapong dalisay at puting dahon ng kawalan. Hindi maino ng sino mang pantas ang silakbong ibinubuhos sa mga tintang halos nanagos sa kaluluwa’t katawan ng walang buhay na papel. Ilang libong beses na pinauli-ulian ng tingin at pinagtagni-tagni at ang nabuo ay (?). walang kasiguraduhang mensahe na hatid ng marahil ay puot, panibugho o dalita.
                Saan ako magsisimulang basahin ang kwentong natatago sa makakpal na linya; Sa unang pahalang na tila nangungusap na narawal na ang noo’y matamis na pagsinta; Sa pababang linya kaya na sinasabi sa aking naninibugho siya sa hindi pag-apuhap at pag-aaruga sa kanya ng mahal niyang ina. May linya ring pakurba na tila humihingi ng pampatid sa kumakalam na sikmura. Tila tubig kung ibuhos sa akin ang mga luhang balde-baldeng itinatago ng bawat simbulo.
                Idarang ko lamang ito sa nag-aalab na impyerno ay malalasap na ng itim na tinta ang katulad na karimlang nakapaloob sa kanya. Basain ko kaya ng tubig baka sakaling maaagos ang lahat ng damdaming ikinapla dito.
                Mahirap kalimutan ang sakit at puot. Mahirap pawiin ang pagal na idinulot ng pagkasiphayong hindi mo noon ninasang alpasan. Ano ang magagawa ng isang papel sa ligmak na emosyong nais mong ibuhos dito? Wala, kundi tanggapin ang lahat ng sakit at ang damdamin mong nabibigatan. Salamat sa puting papel, salamat sa marker.
Advertisements

You May Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s