DUYAN

Sumakay s’ya at sumipa sa lupa
Upang ang pag-ugoy ay magsimula
Tunay na mahirap ito sa umpisa
Subalit pawi ang pagod ‘pag lumilipad ka na

Humampas ang hangin at dala’y ligaya
Subalit pinasok ng alabok ang mata
Datapwa’t tumulo yaring mga luha
Nagpatuloy pa rin sa pag-ugoy niya

Sa pag-aakalang maaabot ang langit
Ugoy ay nilaksan upang ‘to’y masapit
Ngunit kabiguan lang ang natamo
Pawis, pagal at baga’y nahapo

Sa pag-aakalang wala nang katapusan
Hinayaan na lang umugoy ang duyan
Unti-unting humina subalit ‘di tumigil
Nakatulog siyang may impit na ngiti’t pawis na butil

Advertisements

You May Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s