Kung

Kung magagawa ko lang diktahan ang puso
Hindi na lang sana ikaw ang iniibig ko
Kung kaya ko lang gawing totoo
Ang lahat ng ibinubuga ng isip ko
Wala sanang luha
Wala sanang sakit
Wala sanang pangungulila
Wala sanang pananabik
Kung mula pa noong una
Hindi na ako nagpadala
Sa pagmamahal na sa puso’y bumuhay
Ngunit ngayo’y unti unti kong pinapatay…

Sweet Joke

I don’t know if your intent is to make me smile
or just to make me feel very special
Now to tell you, you have succeeded
in putting scented roses on my bed

I’m not sure where it comes from
but it tickles me gently inside
This feeling is more awakening than an alarm
Eccentricity when you’re by my side

I was not aware of that thing they call love
until you made me feel like this
I’m like flying in the sky above
I even fantasized of our perfect kiss

But now you’re gone leaving traces of tears
you took away the fountain of my bliss
Maybe the reason why I didn’t get the clue,
Is because love is still sweet, even it’s a joke.

Friendzone

Umakbay ka at kinilig ako
Nakangiti ka nang ako’y tumingin sa ‘yo
Sabay nating binagtas ang daang magulo
Nagnanasang may liwanag sa dulo

Hinawakan mo ang aking kamay
Pumanaw sa utak ang malay
Nasa ko na lamang magpahingalay
Sa lilim ng ulap na naglalakbay

Tumawa kang ubod ng tamis
Puso ko’y pumintig na ubod ng bilis
At sa sulok mayroong pagngingitngit
Tila may hinuhugot sa dibdib na pait

Sa pagkakaupo’y inakap mo ako
At inilapat ang ulo sa balikat ko
Sa puntong iyo’y napatingin sa ‘king relo
Tumigil muna sana ang oras at mundo

Subalit maya-maya’y bumangon ka na rin
Tayo ay naghiwalay na may bigat sa ‘king damdamin
Gusto ko sanang ikaw ay tanungin
Talaga bang kaibigan lang ang tingin mo sa  akin?

Pangarap

Gusto kong laging nakikita ng iyong mga mata
Na nangungusap at sa aki’y sumisinta
Mula sa pagmulat nito sa umaga
Hanggang sa pagpikit kung araw ay papanaw na

Nais kong madama palagi ang iyong mga labi
Na dumarampi, sa aking mga pisngi
Daig pa siguro nito ang pagpupunyagi
Sa batalyang wala namang nasasawi

Nasa kong sa t’wina’y nasa bisig kita
Upang init ng pagsinta ay aking madama
Tila walang katapusang paglaya
ng mga damdaming ubod ng ligaya

Ibig kong ibigin ka tuwina at kailan man
Sayang, kung malaya ka lang
Subali’t dahil sa iyo’y may ibang humihirang
Dito na lang ako at kayo’y pagmamasdan…

Para Kay Eks

Maalala mo sanang
         kinalimutan mo ako
Nang minsang magbihis
         ang kalendaryo
Tandaan mo sanang
          pinilas ang puso
Kasabay ng pagpanaw
           ng huling asraw
           sa buwan ng Hulyo

Panghinayangan mo sanang
         itinapon mo
Ang masasayang
         litrato
Na ‘di sana malao’y
        magtatamo
Ng halik
        ng kinabukasang
        walang bango

Ipagpatawad mo sanang
      naglilo
Katulad nang ibinubuga
      ng galit mong ulo
Pinamutiwanan man ang
      huwad na totoo
Binihisan mo na
      ng husga
      ang aba n’yang hulo

Sa huli sana ay
       masaling sa isip mo
Na nakalimutan mong
       isara ang pinto
Ng kahapon nating
       dinudungawan ko
Kinkiskis ang
      salamin ng
       matang malabo

_vhanfire