Kung

Kung magagawa ko lang diktahan ang puso
Hindi na lang sana ikaw ang iniibig ko
Kung kaya ko lang gawing totoo
Ang lahat ng ibinubuga ng isip ko
Wala sanang luha
Wala sanang sakit
Wala sanang pangungulila
Wala sanang pananabik
Kung mula pa noong una
Hindi na ako nagpadala
Sa pagmamahal na sa puso’y bumuhay
Ngunit ngayo’y unti unti kong pinapatay…

Sweet Joke

I don’t know if your intent is to make me smile
or just to make me feel very special
Now to tell you, you have succeeded
in putting scented roses on my bed

I’m not sure where it comes from
but it tickles me gently inside
This feeling is more awakening than an alarm
Eccentricity when you’re by my side

I was not aware of that thing they call love
until you made me feel like this
I’m like flying in the sky above
I even fantasized of our perfect kiss

But now you’re gone leaving traces of tears
you took away the fountain of my bliss
Maybe the reason why I didn’t get the clue,
Is because love is still sweet, even it’s a joke.

Hindi ka na Panaginip

Pinilit kong managinip para makita ka
Dahil doon lamang kita nakakasama
Subalit nanaginip akong mag-isa
At kahit saan anino mo’y wala

Pinilit kong iguhit sa isip
Ang kagandahan mong ‘di malirip
Subalit natapos ang aking panaginip
Kariktan mo’y ‘di man lang nahagip

Tumulo ang luha sa aking mga mata,
Wala na ikaw na sa panaginip ko’y nagpapasaya
Kaya’t pinasya ko na lang na gumising
At ang tunay na mundo’y harapin

At sa pagpasok ng mga unang liwanag sa aking mga mata
Isang imahe ang aking nakita
Ang babaeng sa panaginip ko’y naglaho
Nagisngan ko na siya sa tabi ko… 🙂

_vhanfire

KAGABI

kagabi’y kasiping ka sa kama
nakaakap, nakangiti’t masaya
kagabi’y mundo nati’y iisa
tigib pagmamahal pusong sumisinta

kagabi’y ako lang at ikaw
wala sila, o kahit sinong sa oras nati’y numanakaw
kagabi’y nahimlay ako sa piling mo
at natupad lahat ng pangarap ko

kagabi’y hiniling kong manatili na lang sana
ang ganoong katamis na eksena

subalit sa pagtatapos ng kagabi’y muling babangon ako
haharapin ang sikat ng bagong umagang nagsasabing wala ka na

dahil kagabi sa aking pagtulog ay napanaginipan kita
at doon lang’ tanging doon lang tayo pwedeng magkasama..

😦